Lunes, Hulyo 26, 2010

Pangarap na lang ba?


Pangarap na lang ba? Siguro sa pagpasok ng bagong administrasyon sa Pilipinas at pagbaba-bago ng ating Pangulo, na si Pangulong Benigno Aquino III o mas kilala sa tawag na P-Noy ay muli o "Puwede na muling mangarap" ang grupo ng mga "tunay na makakalikasan", napakarami ng mga pangarap ng mga "tunay na makakalikasan" na hindi naisakatuparan noong nagdaang administrasyon!

Ang isa sa mga pangarap ng mga "tunay na makakalikasan" ay turuang magkaisa ang lahat ng Pilipino sa "tunay" na pangangalaga ng ating kalikasan at magkaisa sa "tunay" na pagtulong sa mga kapus-palad nating mga kababayan!

Ang grupong "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay inumpisahan ang grupong ito noong taong 2008 ng mga "tunay" na makakalikasang GUARDIANS, ngunit dahil sa may kakabit na pangalang guardians ay inaakala ng mga taong nakakabalita sa grupong ito na ito ay grupo lang ng mga manloloko, magugulo, mga militar na mahilig sa coup deta't, at kung ano-ano pang pangit na balita na ikinakabit sa guardians, kaya ang ginawa ng grupong ito ay kumuha ng mga kilalang sibilyan na "tunay" na makakalikasan o walang tatak na guardians na siyang tutulong at mangangasiwa nitong "Foundation" at tuloy maka-enganyo ng mga sibilyan na mga "tunay" na makakalikasan!

Sa nakaraang panahon, sinubukan ng grupong ito na lumapit sa mga "Lingkod Bayan" ng mga Munisipyo at Siyudad na sinasakop ng Rehiyon 3 at National Capital Region sa kadahilanang ito ang ibinigay na lugar na puwede lang hingan ng tulong ng grupong ito ayon sa lesensiyang ibinigay ng DSWD o Department of Social Welfare and Development, gayundin sa "Presidential Task Force on Climate Change", at sa "Climate Change Commission", at "DENR". At inilalapit ang mga teknolohiya ng grupong ito, sa mga paglilinis ng mga kailogan, pagsasaayos ng kalikasan, pagsasayos ng mga basura, pangangalaga ng kalusugan, at mga pagtulong sa mga kapus-palad nating kababayan, ngunit walang pagtulong na nangyari dahil sa kani-kanilang personal na interes....

Sa pagbabago ng adhikain ng bago nating Pangulong NoyNoy, at nagsasabi na "Puwede na uling mangarap", ay kami, ang mga "tunay" na makakalikasan ay pipiliting matupad ang aming mga pangarap, na matupad ang mga balakin para sa ating namamatay na kalikasan, kalusugan ng mga mamamayan, at naghihirap na kababayan. At humihingi kami ng tulong sa mga nabuong grupo na kalikasan din ang nais tulungan, ito ay sa pagkakaisa natin na gawin o gamitin ang mga teknolohiya ng "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc." at sumapi sa "Save Our Nature Philippines Movement" para masabi na tayo ay talagang nagkakaisa!

Kung sa inyong panuntunan o artikulo ng korporasyon ay nalilihis ang pagsapi ulit sa bagong grupo o pagkilos (Movement) ay iminumungkahi namin na kayo ay maging "Tagapagtaguyod" o "Supporter" na lang ng ating "Foundation" at bigyan na lang kami ng partisipasyon sa inyong sa inyong mga balakin para sa ating kalikasan!

O para mas malinaw, ang inere-rekomenda namin sa inyo, sa inyong grupo, ay ang aming mga teknolohiya at mga mangagawa o sa wikang english ay "Technologies and workers", dahil ang mga problema ng ating kalikasan ay hindi magagamot ng boluntaryo lamang o sa pagiging "Volunteer" minsan isang taon, kami po sana kontakin!

Kung ang lahat ng mga makakabasa nito ay maiintindihan ang aming pangarap na hindi naisakatuparan noong nakaraang panahon ay tiyak na kami ay tutulungan, ito ay kung "TUNAY" silang makakalikasan, at "TUNAY" na makabayan, at "TUNAY" na may pagpapahalaga sa naghihirap nilang mga kababayan, at hindi para lang magkapera at makilala!

Kung nais makita at mabasa ang ilan sa aming mga teknolohiya (Marami po ito hindi lang nailagay ang iba pa sa website) ay mangyari pong buksan ang website na http://virginpecopro.net/services/ o tignan ang aking kumpletong profile at i-klik ang "My web page", salamat po!

5 komento:

  1. puna ko lang po ha, bakit hindi na lang pag isahin ang blog account nyo?...
    iisa lang naman ang genre ng mga post nyo, pero bakit pabago bago ng page?...everytime po ba na magpo post kayo ng blog eh kailangang gumawa muli ng bagong blog page?

    I like reading your posts, pero nalilito po ako sa blog page nyo. mas minam siguro kung pag iisahin na lang

    TumugonBurahin
  2. Salamat ronraf, pero hindi naman puwede isa lang nakalantad na pumupuna sa mga katiwalian, sabihin ng mga tao isa lang pala ang pumumuna, katulad mo ang akala mo yung Chairman lang namin ang gumagawa ng mga blog, hindi po, marami po kami,isa po ako sa mga Direktor ng GSGWFI, ako yung taga Marilao, kung titignan mo ang list of Directors sa aming website, siya lang ang nag-po-post sa facebook, salamat ha!

    TumugonBurahin
  3. At pag nabuo na namin ang mga kabataang tutulong sa amin ay magiging dalawangpu't isa (21) ang aming gagawing blog, tatlo na sa ngayon, kaya labinwalo (18)pa ang madadagdag, salamat uli sa iyo ronraf at binigyan mo ako ng pagkakataon na magbigay pa ng kaunting impormasyon sa ating mga kababayan!

    TumugonBurahin
  4. gud pm po,

    kaisa nyo po ako sa inyong layunin, at tulad po ninyo, alam kong sa aking munting paraan ay may nagagawa ako para mabawasan ang "pressures" sa ating kalikasan sa panahong kasalukuyan.

    subalit napapansin ko lang po sa mga blogs na nababasa ko, marami po kayong mga puna at pagbatikos na ginagawa, pero wala o akong nakikitang inilalatag ninyo na alternatibo or solusyon sa mga problemang inyong tinatalakay.

    Sa akin pong palagay, mas mainam siguro na maging patas tayo sa ating mga sinasabi. Ako man po ay nagagalit sa mga taong walang pakialam sa kapwa at sa kapaligiran niyang ginagalawan, pero lahat po tayo ay may kanya kanyang parte at responsibilidad sa bawat problemang ating dinadanas sa ngayon. Tulad po halimbawa nung krisis sa tubig, alam natin na maraming pagkukulang ang mga nasa gobyerno, pero tayo po bilang mga mamamayan ay responsable rin na magtipid at magpahalaga sa tubig. Sa ating konting paraan ay may magagawa tayo upang makatulong sa pagbabago, lahat po tayo ay bahagi ang lipunan, hindi po lamang ang gobyerno.

    Ako po ay isa sa masugid na tagasubaybay sa bawat blog post ninyo dahil marami rin po akong natututunan sa inyo. At tulad nga po ng sinabi ko, kaisa po ninyo ako sa inyong layunin. Makaktulong po ako sa inyo kung inyong mamarapatin, pero ang nais ko lang po sana, sa bawat pagpuna na ginagawa natin, may nakalatag din po tayong alternatibong solusyon or suhestiyon na makakatulong para man lang mapagaan ang problema kung hindi man masolusyunan.

    Salamat po, at inaasahan ko po na ipagpapatuloy ninyo ang inyong magandang adhikain. Marami po kaming nakikinig at nakikiisa sa inyo.

    http://theplunderedplanet.blogspot.com/

    Thanks,
    Engr. Ronald Rafer
    Kingdom of Saudi Arabia

    TumugonBurahin
  5. bilang pagtugon po sa inyo, gumawa po ako ng isang blogpage na dedicated para sa ating kalikasan...sana po ay subaybayan nyo rin ako, at punahin or batikusin kung may mga pagkukulang or pagkakamali ako sa aking mga blog posts.

    eto po ang link: http://theplunderedplanet.blogspot.com

    salamat,
    ronraf

    TumugonBurahin