Biyernes, Hulyo 30, 2010

Kontraktuwalisasyon, mananatili ba sa ating bansa?


Puwede na muling mangarap - Kontraktuwalisasyon, mananatili ba sa ating bansa? Sa isang katulad ko na ama, may mga anak na tapos na sa pag-aaral at mayroon nang mga apo ay naghahangad pa bang mangarap na alisin na ang kontraktuwalisasyon sa ating bansa? Kung ikaw ay isa lang ordinaryo at walang pakialam sa mundo ay sasabihin mo na, e ano ba kong kontraktor sila, basta ako regular na nagtratrabaho sa aking kumpanya at sumasahod ng maayos ay wala akong pakialam! Pero ako, bilang isang nagmamahal sa mga kababayan ay nangangarap pa din na alisin na ang mga kontraktor sa pagtratrabaho at gawin ng lahat ay regular!

Kanina sa pakikinig ko ng radyo ay may balita akong narinig tungkol sa pagka-koryente ng isang lineman ng telepono at isang pag-aabandona ng mga Piloto ng kanilang trabaho sa Philippine Airlines, na pati ang mga flight steward ay mukhang iaabandona na ang kanilang trabaho dahil sa kontraktor lang sila at pag walang piloto wala din silang trabaho!

Hindi ko dapat pakialaman ang pangalawa dahil wala akong alam sa negosyo ng Philippine Airlines, pero ang una ay papakialaman ko dahil dito sa trabahong ito ko pinalaki ang mga anak ko at pinagtapos ng pag-aaral. At malaki ang naging hirap naming mga empleyado noon para palakihin ang kumpanyang aking pinagtrabahuhan, at malaki ang pangarap ko na maalis ang kontraktuwalisasyon sa kumpanyang ito, dapat wala na akong pakialam pero hindi ko matiis na ito ay bumagsak na lang at malugi, malaki ang utang na loob ko sa kumpanyang ito!

Hindi ko pa alam ang puno't dulo ng narinig kong balita, pero isa lang ang masasabi ko, ito ay "Little learning is dangerous', malaki ang sapantaha ko na ito ay kontraktor lamang dahil kung siya ay empleyado, alam niya ang gagawin para huwag siyang makoryente, simple lang, bababa ng poste kung umuulan, o magsuot ng mga safety globes kung basa ang poste, di man niya magawa sa oras na iyon ang telepono walang problema dahil suwelduhan naman siya. Pag kontraktor ka, by hook or by crook kailangan mo iyon gawin kahit na nasa panganib buhay mo!

Sa panahon ng tag-ulan ay dapat maging maingat sa pag-akyat ng poste, isipin laging may naka-amba sa iyong panganib, hindi man koryente ay maaring madulas ka at mahulog, o kaya may nakaabang sa iyong ahas sa itaas dahil yan ang pangkaraniwan nilang puntahan kung mga panahon ng mga baha. Ang mga kontraktor sa pag-gawa ng telepono ay halos walang training, kaya nagtatagal ang mga sira ng telepono sa ngayon o kung may training man ay kulang, puro actual lang tinuturo ay baka hindi man lang nila alam kung paano ang teorya ng telepono, kung paano ito umaandar, sayang ang kumpanya sa ganitong mga nagtratrabaho, malapit na itong bumagsak, sino ang may problema, di ba ang kumpanya din?

Pakiusap ko sana sa mga namumuhunan, kung "Pilipino" kayo huwag na kayong kumuha ng mga kontraktor, gawing ninyong regular ang kanilang mga trabaho, bigyan ng benepisyong maganda, at bigyan nang mga pagsasanay o training para alam nila ang mga gagawin nila sa oras ng panganib o mga paraan para umiwas dito, buhay din yan na ginawa ng ating Diyos, na nasayang dahil sa kasuwapangan sa pera ng mga namumuhunan, liban na lang kung dummy lang kayo na pinuhunanan ng ibang bansa, pakiusap lang po, kung malaki naman ang kinikita, huwag ng kumuha ng kontraktor!

Dahil alam ninyo ba, na kung kontraktor lang ang mga gagawa ng mga teknikal na trabaho ay wala silang interes na umunlad ang inyong kumpanya, walang malasakit ika nga, na siyang kailangan-kailangan ng isang kumpanya, ang "malasakit", magisip po sana kayo....

Lunes, Hulyo 26, 2010

Pangarap na lang ba?


Pangarap na lang ba? Siguro sa pagpasok ng bagong administrasyon sa Pilipinas at pagbaba-bago ng ating Pangulo, na si Pangulong Benigno Aquino III o mas kilala sa tawag na P-Noy ay muli o "Puwede na muling mangarap" ang grupo ng mga "tunay na makakalikasan", napakarami ng mga pangarap ng mga "tunay na makakalikasan" na hindi naisakatuparan noong nagdaang administrasyon!

Ang isa sa mga pangarap ng mga "tunay na makakalikasan" ay turuang magkaisa ang lahat ng Pilipino sa "tunay" na pangangalaga ng ating kalikasan at magkaisa sa "tunay" na pagtulong sa mga kapus-palad nating mga kababayan!

Ang grupong "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay inumpisahan ang grupong ito noong taong 2008 ng mga "tunay" na makakalikasang GUARDIANS, ngunit dahil sa may kakabit na pangalang guardians ay inaakala ng mga taong nakakabalita sa grupong ito na ito ay grupo lang ng mga manloloko, magugulo, mga militar na mahilig sa coup deta't, at kung ano-ano pang pangit na balita na ikinakabit sa guardians, kaya ang ginawa ng grupong ito ay kumuha ng mga kilalang sibilyan na "tunay" na makakalikasan o walang tatak na guardians na siyang tutulong at mangangasiwa nitong "Foundation" at tuloy maka-enganyo ng mga sibilyan na mga "tunay" na makakalikasan!

Sa nakaraang panahon, sinubukan ng grupong ito na lumapit sa mga "Lingkod Bayan" ng mga Munisipyo at Siyudad na sinasakop ng Rehiyon 3 at National Capital Region sa kadahilanang ito ang ibinigay na lugar na puwede lang hingan ng tulong ng grupong ito ayon sa lesensiyang ibinigay ng DSWD o Department of Social Welfare and Development, gayundin sa "Presidential Task Force on Climate Change", at sa "Climate Change Commission", at "DENR". At inilalapit ang mga teknolohiya ng grupong ito, sa mga paglilinis ng mga kailogan, pagsasaayos ng kalikasan, pagsasayos ng mga basura, pangangalaga ng kalusugan, at mga pagtulong sa mga kapus-palad nating kababayan, ngunit walang pagtulong na nangyari dahil sa kani-kanilang personal na interes....

Sa pagbabago ng adhikain ng bago nating Pangulong NoyNoy, at nagsasabi na "Puwede na uling mangarap", ay kami, ang mga "tunay" na makakalikasan ay pipiliting matupad ang aming mga pangarap, na matupad ang mga balakin para sa ating namamatay na kalikasan, kalusugan ng mga mamamayan, at naghihirap na kababayan. At humihingi kami ng tulong sa mga nabuong grupo na kalikasan din ang nais tulungan, ito ay sa pagkakaisa natin na gawin o gamitin ang mga teknolohiya ng "GUARDIANS Stop Global Warming Foundation, Inc." at sumapi sa "Save Our Nature Philippines Movement" para masabi na tayo ay talagang nagkakaisa!

Kung sa inyong panuntunan o artikulo ng korporasyon ay nalilihis ang pagsapi ulit sa bagong grupo o pagkilos (Movement) ay iminumungkahi namin na kayo ay maging "Tagapagtaguyod" o "Supporter" na lang ng ating "Foundation" at bigyan na lang kami ng partisipasyon sa inyong sa inyong mga balakin para sa ating kalikasan!

O para mas malinaw, ang inere-rekomenda namin sa inyo, sa inyong grupo, ay ang aming mga teknolohiya at mga mangagawa o sa wikang english ay "Technologies and workers", dahil ang mga problema ng ating kalikasan ay hindi magagamot ng boluntaryo lamang o sa pagiging "Volunteer" minsan isang taon, kami po sana kontakin!

Kung ang lahat ng mga makakabasa nito ay maiintindihan ang aming pangarap na hindi naisakatuparan noong nakaraang panahon ay tiyak na kami ay tutulungan, ito ay kung "TUNAY" silang makakalikasan, at "TUNAY" na makabayan, at "TUNAY" na may pagpapahalaga sa naghihirap nilang mga kababayan, at hindi para lang magkapera at makilala!

Kung nais makita at mabasa ang ilan sa aming mga teknolohiya (Marami po ito hindi lang nailagay ang iba pa sa website) ay mangyari pong buksan ang website na http://virginpecopro.net/services/ o tignan ang aking kumpletong profile at i-klik ang "My web page", salamat po!